Home » Post Item » For Tatay and Nanay on their 51st
For Tatay and Nanay on their 51st
December 21, 2009Last Sunday, my tita, dad and tito treated my lolo and lola to an early dinner in celebration of their 51st wedding anniversary.
Nakakatuwa sila pag masdan. Kahit na para silang aso at pusa kung magbangayan, iba pa din ang itsura ng away ng mag-asawang 51 years nang nagsasama. Hehehe!
Wish ko? I-treat ang lolo ko ng Tenderloin Steak. ‘Yung gagamit sya ng steak knife. Nag-uulyanin na ang lolo ko. Hinahanap na niya ang buhay na mayroon sya noong nangingibang bansa pa sya. Binabalikan nya yung mga panahong ganoon ang madalas nyang kainin.
Para sa lola ko, I want to spend one whole day with her. I want to treat her to wherever she likes. Hindi sya mapaghanap. Ang gusto lang niya ay yung pakikinggan ang kwento nya. Yun ang gusto kong gawin. Makipagkwentuhan nang walang humpay sa lola ko.
Sana mas matagal pa silang magsama. Sana maging mas sweet pa sila sa isa’t isa sa mga susunod pang taon. I hope they continue to love each other despite age, memory gap and senility. I love them so much.




