Home » Archives » 14. May 2008
bored… idealistic… frustrated
May 14, 2008it is very difficult to set standards of yourself and the things around you. it is more difficult if you seem to not living up to them. and most difficult when it seems that it is beyond your control.
i had this conversation with my sister a while ago.
sis: bakit ba kasi? anong problema?
gene: im bored and i feel so worthless.
sis: anung gusto mong gawin?
gene: maghanap ng ibang trabaho? parang yuon.
sis: na naman? sis, ndi pwede yan. ikaw din ang masisira pag nagkataon. alam mo kasi, maraming bagay ang sa umpisa akala mo perfect, tapos later on, makikita or madidiscover mo na ndi pala.
gene: alam ko naman yun e. malungkot lang talaga.
sis: tsaka, gene, ndi sa lahat ng pagkakataon e tungkol sa profession mo ang dapat mong matutunan. marami pang iba dyan.
gene: like patience? humility?
sis: alam mo naman pala e..
alam ko naman talaga, ate. alam ko talaga. nagkataon na sa ngayon, im still too overwhelmed with my idealisms and the thought that things can be better. maybe here or somewhere. i got this job for training. continuous learning. pero maraming times na stagnant na ‘ko. nalulungkot lang ako.
gusto ko lang ng venue para magrant. this is my outlet.
saan ko isisisi?
kung minsan, hindi ko na talaga naiintindihan kung anong naglalayo sa ating dalawa. kung minsan, ok na ok tayo. kung minsan naman, wala ni isang salita, nagpapakiramdaman, nangangapa. maraming nangyari, pero iyon na nga ang punto, lumipasna iyon. kung ano ang naramdaman mo noon na may kinalaman sa kanya, iyan ang unang dahilan kung bakit sa iyong palagay ay wala ako sa iyong tabi. dahil noong panahon na pinili mong saklawan ng damdamin mo ang pagkakaibigan natin, kasama na ang ibang bagay na ginawa mo na nakasakit sa akin para lamang mapagbigyan ang iyong damdamin… hindi ko nais maging makasarili ngunit iyon na mismo ang aking dahilan. nakita ko ang iyong mga prayoridad. napagtanto ang iyong mga ninanais. hindi ko nais husgahan ka lamang. ngunit iyon ang takot ko… hindi ko nais na mas malaki ang masira. ikaw mismo ang nagsabi, hindi mo iyon iniisip. halos sabihin mong wala kang pakialam. ano ang gusto mong maramdaman ko, gayong alam mo naman na wala na akong ibang nais gawin kundi alagaan ang kung anong natitira?
maaaring hindi lang iyon ang isyu dito… maaarign iba. ngunit kung anuman iyon, hindi ko talaga naiintindihan. ano kaya ang mas mabuti? ang maghiwalay ng landas upang mapanatili kung ano pa ang mayroon o subukan itong ayusin ng ganito? nangako ka noon, aayusin natin ng ganito… ngunit ano ito? hindi ko talaga naiintindihan.
i want to keep my faith.
the lasting last impression
it is sad that sometimes, people get stucked with last impressions. it is but normal that people become jaded with first impression but when you stick to last impression… there’s no more chance, not a venue to change what you have made or what stucked.
hindi ko na yata kayang ibalik kung ano ang meron sa ating dalawa, kaibigan. hindi mo ako hinayaang magpaliwanag. hindi tayo nag-usap. ngayon, isang malaking pader na lamang ang nasa ating pagitan. gusto kong magtiwala na balang araw, guguho ang pader na ito. sana’y mangyari.
open your heart and your mind for me. please.




